MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Departments of Justice (DOJ) at Interior and Local Government (DILG) na magtulungan upang makabuo ng safeguards sa electronic warrant system (e-warrant) para matiyak na hindi makokompromiso ang operasyon ng awtoridad.
Dahil sa Enhanced e-Warrant System nagiging mabilis at epektibo ang pagsisilbi ng mga awtoridad ng warrants of arrests na inilalabas ng korte.
Nagpulong sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at bagong itinalaga na Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla para resolbahin ang mga isyu hinggil sa electronic warrants.
Ayon kay Jonvic Remulla, pinag-isa na ang information technology ng DOJ at DILG kung kaya kailangan maglatag ng safeguards sa electronic warrants para siguraduhin na hindi nagkakasunugan ng ‘interoperability’ ng mga law enforcement divisions, NBI at PNP.
Aminado ang DILG Secretary na may mga kaso na naapektuhan dahil sa mga leak.
Isa sa nakikitang solusyon ng dalawang kagawaran ay ang pagkakaroon ng embargo system.
“Nagkaka-leak iyan eh so the warrant will be issued to the requesting agency, tapos parang embargo 6 hours 8 hours. So para exclusive yon, unless coordinated ang efforts, may system na may 6-hour embargo,” ani Jonvic. TERESA TAVARES