Home ENTERTAINMENT James, tinapat na ang JaDine fans!

James, tinapat na ang JaDine fans!

199
0

Manila, Philippines – Masasabing grand welcome ang ipinagkaloob ng ASAP Natin ‘To kay James Reid nitong nagdaang linggo.

Ito’y hudyat ng pagbabalik ng singer-actor to the ABS-CBN fold.

And what better way to do that than to make James feel na ganoon nga siya kaimportante?

James was last seen on the network’s Idol Philippines kung saan nagsilbi siyang isa sa mga hurado along with Vice Ganda, Chito Miranda and Regine Velasquez.

But 2025 promises to be a much bigger year for James na nakatakdang gumawa ng teleserye.

Pero buong katapatang inamin ni James that he was on pins and needles nang muling tumuntong sa ASAP stage.

Aniya, “To be honest, I was nervous.

Kinabahan talaga ako. Imagine, the last time I was on ASAP stage was five or six years ago? But it was nice seeing my idols again!”

Nagpakatotoo na rin si James sa kung ano ang aasahan sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN.

Heartbreaking as it may sound, pero ipinagtapat ni James na huwag nang umasa ang mga JaDine fans na magsasama sila ng kanyang dating nobyang si Nadine Lustre sa

isang TV project.

Katwiran ni James, respeto na lang daw ‘yon sa kanyang girlfriend na si Issa Pressman.

For sure, isa din lang ang buwelta ni Nadine: “The feeling is mutual!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here