Home OPINION BATAS VS DEEPFAKE SA PINAS, NASAAN?

BATAS VS DEEPFAKE SA PINAS, NASAAN?

167
0

SA Oktubre 25, 2024 o ilang araw na lamang mula ngayon, isang taon na ang panukalang batas laban sa deepfake na inihain nina Congressman Lani Mercado Revilla, Bryan Revilla at Ramon Jolo Revilla.

Nakapaloob ang panukala sa House Bill No. 9425 at may titulong An Act Defining Deepfake and the Impositions of Penalties therefor for Acts Constituting Harmful Deepfakes.

Kaugnay nito, mayroon namang ipinanukala ni noo’y Senador Vicente Sotto III na Senate Bill No. 9 noong Hulyo 2019 laban sa deep fake na makikia sa kanyang introductory note laban sa paglaganap ng “False Content on the Philippine Internet.”

Sa partikular, nagamit umano ang false content o deepfake noong halalang 2019 .

Ano na kaya ang nangyari sa mga panukalang ito?

BATAS LABAN SA DEEPFAKE SA SINGAPORE

Sa Nobyembre 2025 pa ang pangkalahatang eleksyon sa Singapore ngunit ipinasa nila ang batas laban sa deepfake kamakalawa o Oktubre 15, 2024.

Pero ekslusibo ang deepfake law sa panahon ng election period hanggang sa matapos ang aktuwal na halalan at nakatuon lamang sa election advertising.

Heto ang mga kondisyon sa batas na ito sa Ingles:

The content is online election advertising, where its intent is to promote, procure or prejudice the electoral prospects of a party or candidate.

The content is digitally generated or manipulated.

The content depicts a candidate saying or doing something that he or she did not say or do.

The content is realistic enough that some members of the public who see or hear the content would reasonably believe that the candidate did in fact say or do that thing.

Heto ang karugtong na bahagi ng batas: Sa lumabas na advertising na laman ang apat na kondisyon na ‘yan, maituturing na ang deepfake na gawang kriminal at masasama sa mananagot ang mga mag-repost at mag-share.

Hayan, mga Bro, kapag gumawa ka ng deepfake na naglalabas ng bagay na sinabi o ginawa ng isang kandidato ngunit hindi naman niya talaga sinabi o ginawa, patungo ka na sa criminal deepfake.

Kapag nagmistulang totoo ang deepfake at napaniwala ang publiko na totoong sinabi o ginawa ng kandidato ang salita o gawa kahit hindi niya talaga sinabi o ginawa ang mga iyon, patay kang bata ka, pasok ka na sa deepfake.

Siyempre, kasama ang dalawang naunang kondisyon para mademanda, maaresto at makulong ka sa Singpapore.

Heto pa, mga Bro, pabor o hindi pabor sa kandidato, deepfake pa rin ang turing diyan.

Isa pa, maituturing pa ring saklaw ng batas ang mga private chat group kung ang chat group, eh, napakarami ang kasali at pwedeng pumasok kahit sino.

Ang mga parusa?

Isang milyong Singapore dollar o P44.2M na multa laban sa social media na paglabasan ng deepfake, S$1,000 o P44,200 sa indibidwal at/o pagkakulong na hindi lalagpas sa 12 buwan.

ANO NA SA PINAS?

Baka naman mabilasa lang ang panukalang batas laban sa deepfake!

Kita naman ngayon na ang paninira ang number one na paraan ng pamumulitika sa Pilipinas at maaaring magamit ang deepfake sa paninira.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here