Home NATIONWIDE Byahe ng ilang bus sa PITX, kanselado pa rin

Byahe ng ilang bus sa PITX, kanselado pa rin

116
0

MANILA, Philippines – Kanselado pa rin ang ilang byahe ng bus sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Biyernes, Oktubre 25 dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.

Kasalukuyang mayroong 38 pasahero ang apektado na nasa terminal.

“They are mostly walk-in passengers bound for Bicol Region and Mindoro. We have provided them with meals, a rest area, and shower area,” ayon sa PITX.

Kabilang sa mga rutang may kanseladong biyahe ng bus ngayong araw ay ang mga papunta ng Masbate City; San Jose, Mindoro; Cagayan de Oro; Davao; Camarines Sur; Albay; Sorsogon; Quezon; at Catanduanes.

Ang dahilan ng kanselasyon ng mga biyahe sa mga rutang ito ay dahil sa mataas pa rin na baha sa mga lugar na dadaanan, sirang tulay at kanseladong biyahe ng RORO. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here