Home OPINION MARIKINA BUDGET, SIKRETONG NIRATSADA

MARIKINA BUDGET, SIKRETONG NIRATSADA

208
0

WALANG kaalam-alam ang mga Marikenyo na inaprubahan na pala ng mga konsehal na kaalyado ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa committee level ang pondo ng lungsod para sa susunod na taon. Wow, magic!

Nangyari ito noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 7.

Ang sabi pa nga, bukod daw sa pasikreto ang ginawang deliberasyon ukol sa city budget ay parang “bullet train”  pa raw ang paglusot nito.

Ang tanong: Bakit itinago sa mga Marikenyo at minadali pa? Ang pakiramdam tuloy ngayon ng mga residente ng Marikina ay parang nalansi sila.

Sa Pasig, walong araw ang budget hearing sa city council. Sa Quezon City, apat na araw ang budget hearing sa city council.

Isipin n’yo, 30 departments ang kailangang magpresinta ng kanilang isang taong plano sa loob lang ng isang araw. Ang bawat unit ay binigyan lang ng tig-20 minutes para sa presentasyon ng plano at para sa ‘question and answer’.

Wala ring announcement sa official Facebook page ng Marikina City Public Information Office at hindi rin na FaceBook Live ang committee hearing, hindi gaya sa ibang lungsod kapag may mga sesyon ang konseho. Sa City of Manila nga, kahit mainit ang debate ng mga konsehal ay naka-FB Live pa rin. At naka-‘livestream’ ang ‘budget session’ sa QC at Pasig.

Paano mabubusisi ang buong budget, ang bawat sentimo na gagamitin kung napakalimitado ng oras? Paano malalaman at makikilahok ang mga Marikenyo kung wala silang ‘access’ sa impormasyon at datos o numero?

Maski raw si Councilor Rene Magtubo, na isang oposisyon, ay hindi nahawakan ang buong kopya ng 2025 city budget. Ayon kay Magtubo, P595 milyon ang ilalaan para lang bayaran ang utang para sa 2025 budget. Sabi niya, halos 20% ng budget ay mapupunta lang sa debt service o pambayad-utang.

Pera ng lungsod ang usapin dito, salapi ito ng mamamayan kumbaga at hindi naman ito simpleng pagba-budget lang ng pamilya. Kahit nga ang isang mag-anak, nag-uusap nang masinsinan para mapag-ingatan nila ang kanilang kinikita.

Ang budget ay isang importanteng aspeto sa isang lokal na pamahalaan tulad ng Marikina dahil dito nakasaad ang mga programa, proyekto, at serbisyo para sa nasasakupan nito. Dito rin makikita kung saan ba talaga dinadala ng pamahalaan ang ibinabayad na buwis ng mga tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here