Home OPINION READY-TO-EAT-FOOD PACKs IPAMAMAHAGI PARA SA CALAMITY VICTIMS – DSWD

READY-TO-EAT-FOOD PACKs IPAMAMAHAGI PARA SA CALAMITY VICTIMS – DSWD

118
0

Likas sa ating mga Pilipino ang magtulungan lalo na kapag may mga sakuna at kalamidad, kaya tuwing may bagyo, baha, sunog at oil spill.
Ang nakasanayan nating ibigay sa mga nasalanta ay ang mga sumusunod: relief food packages, tulad ng bottle water, pansit, sardinas, bigas, kape, biscuits, tinapay at iba pa.

Magkakaroon ng pagbabago sa kagyat na tulong na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) sa mga nagiging biktima ng mga kalamidad nasa evacuation centers man o nananatili sa kanilang mga tahanan.

Inilunsad ng kagawaran ang “ready-to-eat-food” packs na naglalaman ng mga masustansyang lutong pagkain. Magi­ging bahagi ito ng relief items na kanilang ipagkakaloob sa loob ng 24 oras hanggang 48 oras matapos manalasa ang isang kalamidad.

Nakipagtulungan ang DSWD sa Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute upang mabuo ang RTEF meals na makatutugon sa pangangailangan kapag limitado o walang magamit na tradisyonal na pasilidad para sa pagluluto sa mga apektadong lugar.

Bawat “ready-to-eat-food” pack ay naglalaman ng limang lata ng tuna paella, dalawang lata ng chicken pastil, giniling o ground pork, dalawang pakete ng arroz caldo, tatlong pakete ng champorado, dalawang piraso ng high energy biscuit, at isang chocolate bar.

Sinabi naman ni DSWD secretary Rex Gatchalian na ang pagbuo sa RTEF packs ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Act, R.A. No. 7610 o Local Government Code of 1991, at R.A. No. 9184 o Go­vernment Procurement Reform Law.
Pagmamalaki pa ng kalihim, ang mga pagkaing bahagi ng pakete ay pawang mga gawang Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here