Home HOME BANNER STORY Dagupan City tutustahin ng 42°C heat index

Dagupan City tutustahin ng 42°C heat index

101
0

MANILA, Philippines – Posibleng makaranas ng 42 degrees Celsius na heat index ang Dagupan City, Pangasinan ngayong Sabado, Marso 8.

Ang heat index na ito ay pasok sa “danger” category o mula 42°C hanggang 51°C, at nagbibigay ng banta sa heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Nitong Biyernes, naitala ng PAGASA ang matataas na heat index sa mga sumusunod na lugar:

Dagupan City: 44°C
Virac (Synop), Catanduanes: 43°C
Tacloban City, Leyte: 42°C

Ngayong araw din, inaasahan ang heat index na 39 degrees Celsius sa NAIA Pasay City, habang ang Science Garden Quezon City ay posibleng makaranas ng heat index na 38°C.

Ang heat index na mula 33°C hanggang 41°C ay nasa ilalim ng “extreme caution” category, kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion, at ang patuloy na aktibidad ay maaaring magdulot naman ng heat stroke. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here