Ngayong araw din, inaasahan ang heat index na 39 degrees Celsius sa NAIA Pasay City, habang ang Science Garden Quezon City ay posibleng makaranas ng heat index na 38°C.
Ang heat index na mula 33°C hanggang 41°C ay nasa ilalim ng “extreme caution” category, kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion, at ang patuloy na aktibidad ay maaaring magdulot naman ng heat stroke. RNT/JGC