MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Camarines Norte dahil sa shear line ngayong Sabado, Marso 8.
Ayon sa PAGASA, ang Batanes at Babuyan Islands naman ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan, habang ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region.
Ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Samantala, easterlies naman ang makakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC