Home METRO P197M droga nasabat sa buy-bust

P197M droga nasabat sa buy-bust

196
0
Larawan mula kay Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police, ang P197.2 milyong halaga ng droga sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Sabado.

Ayon sa pahayag, naganap ang buy-bust sa isang exclusive subdivision dakong alas-5 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang indibidwal.

Sinamantala umano ng mga suspek ang mahigpit na security protocols ng subdivision upang makaiwas sa surveillance at intelligence operations ng Philippine authorities.

Kasama ang mga suspek, nadiskubre ng mga pulis ang 29 aluminum packets na may bigat na tinatayang 29 kilo, may label na “Freeze-dried Durian” sa Chinese characters.

Naglalaman ang mga ito ng white crystalline substances na hinihinalang shabu na aabot sa halagang P197,200,000.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang mobile phones, buy-bust money, at pink paper bag na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here