Home NATIONWIDE P1.4B land deal na ‘di awtorisado ng OWWA board, iniimbestigahan ng DMW

P1.4B land deal na ‘di awtorisado ng OWWA board, iniimbestigahan ng DMW

189
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang P1.4 bilyong land acquisition deal na natuloy umano nang walang pahintulot mula sa Overseas Workers Welfare Adminsitraton (OWWA) board, sinabi ng isang opisyal nitong Sabado, Mayo 17.

Kinumpirma ni OWWA Administrator Patricia Caunan na kasama sa imbestigasyon ang kanyang pinalitan na si Arnell Ignacio at ang nakuhang lupa ay para umano sa isang “halfway house” o dormitory-type accommodation para sa mga overseas Filipino workers (OFW).

Inilarawan ni Caunan na ‘sagrado’ ang pondo ng publiko at OFW kaya naman seryoso sila sa imbestigasyon.

Binigyang-diin na ang migrant workers trust fund ay ‘intact’ at ang pondo ay maaaring galing sa badyet ng ahensya.

Bagamat hindi pa naglalabas ng komento sa isyu, nagulat umano si Ignacio sa alegasyon at sasagutin niya ito sa tamang forum. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here