MANILA, Philippines – DUMALO si Vice President Sara Duterte, araw ng Sabado sa thanksgiving Mass kasunod ng “mapayapang” Eleksyon 2025 sa Davao City.
Ang misa ay idinaos ng alas- 9 ng umaga sa Carmelite Church sa Bajada. Ang misa ay pinangunahan ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles.
Kasama ni VP Sara ang kanyang kapatid na si Davao City Representative Paolo Duterte, at pamangkin na si councilor-elect Rodrigo “Rigo” Duterte II, at maging ang iba pang lokal na opisyal. Kris Jose