Home NATIONWIDE 9 dayuhang naharang sa Cebu kakasuhan ng BI

9 dayuhang naharang sa Cebu kakasuhan ng BI

196
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na sasampahan nila ng deportation cases ang siyam na dayuhang naaresto sa Mactan-Cebu International Airport ilang araw bago ang halalan noong Mayo 12.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na bukod sa posibleng mga kasong kriminal at anti-money laundering na kahaharapin ng grupo sa mga lokal na korte, mahaharap din sila sa mga paglilitis sa imigrasyon.

“Immigration laws prohibit foreigners from engaging in activities that pose risks to national security,” ani Viado.

“Once they face their criminal charges, these individuals will be deported and blacklisted from re-entering the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.

Ang mga dayuhan na kinabibilangan ng pitong Chinese national, isang Indonesian, at isang Kazakh, ay inaresto noong Mayo 9 ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) dahil sa pagtatangkang magdala ng P441 milyon na hindi idineklarang cash.

Dalawang Pinoy din ang naaresto kasama ng grupo.

Sinabi ng BI na nakikipag-ugnayan sila sa PNP para iberipika ang mga record at iproseso ang kinakailangang dokumentasyon ng mga naarestong dayuhan.

Nauna nang sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa 11 suspek at pagkakasamsam ng P441-million cash ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa malinis at maayos na midterm elections.

Samantala, dalawang dayuhang naaresto sa Pulilan, Bulacan noong Mayo 7 dahil sa paggamit ng electronic eavesdropping gadget na naka-install sa isang sports utility vehicle ay iniharap sa mga prosecutor sa harap ng Department of Justice.

Nagsampa ng kaso ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission Task Force para sa paglabag sa Section 4 (Misuse of Devises) ng Republic Act No. at Shijun Teng, binata, at residente ng Baliuag, Bulacan. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here