Home NATIONWIDE 3 weather system, magdadala ng ulap at pag-ulan sa bansa

3 weather system, magdadala ng ulap at pag-ulan sa bansa

325
0

MANILA, Philippines – Tatlong weather system ang sabay-sabay na nakaapekto sa panahon sa Pilipinas ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ). May posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na kung uulan nang malakas.

Sa Batanes at Babuyan Islands, bahagyang maulap ang kalangitan dulot ng High Pressure Area, pero hindi ito inaasahang magdudulot ng malaking epekto.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies. Maari ring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa kung magiging malalakas ang bagyo.

Mahina hanggang katamtaman ang ihip ng hangin sa buong bansa, habang ang karagatan ay bahagya hanggang katamtamang maalon.

Sisikat ang araw sa ganap na 5:27 ng umaga at lulubog ito sa 6:19 ng gabi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here