Home HOME BANNER STORY Katiting na oil price rollback sa sunod na linggo, nakaumang

Katiting na oil price rollback sa sunod na linggo, nakaumang

214
0

MANILA, Philippines – Aasahan ng mga motorista ang magkahalong galaw ng presyo ng petrolyo sa huling linggo ng Mayo, ayon sa Department of Energy.

Batay sa apat na araw ng kalakalan, maaaring bumaba ang presyo ng gasolina ng PHP0.15 o tumaas ng hanggang PHP0.30 kada litro.

Ang diesel ay posibleng walang galaw o bumaba ng hanggang PHP0.40, habang ang kerosene ay inaasahang bababa ng PHP0.20 hanggang PHP0.40 kada litro.

Kabilang sa mga dahilan ng rollback ay ang pag-usad ng US-Iran nuclear deal, paglamig ng tensyon sa US-China trade, at karagdagang oil storage sa Iran.

Samantala, maaaring magdulot ng taas-presyo ang positibong pananaw ng OPEC sa pandaigdigang demand ng langis. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here