Home METRO Kelot timbog sa P.3M ‘bato’

Kelot timbog sa P.3M ‘bato’

119
0

PANGASINAN – Swak sa kulungan ang isang 47-anyos na high value individual matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Bypass Road sa Brgy. Poblacion, Lingayen ng lalawigang ito nitong Martes, Hunyo 3.

Sa inilabas na press release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO ng Police Regional Office 1, ang suspek, na isang lalaki, ay mula sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa mula sa Provincial Police Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit 1, Regional Police Drug Enforcement Unit, Lingayen MPS, at Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 12 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 50 gramo ang hinihinalang shabu na nakumpiska ng mga otoridad at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Ginawa mismo doon sa naturang lugar ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya, sa harap ng mga mandatory witness at ng suspek.
Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here