Home LIFESTYLE HEALTH HIV sa Pinas posibleng sumirit sa 400K – DOH

HIV sa Pinas posibleng sumirit sa 400K – DOH

244
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa na ang bilang ng mga Filipino na nabubuhay na may HIV ay maaaring lumagpas ng 400,000 kung walang agarang aksyon na gagawin upang mapigilan ang mabilis na pagdami ng naturang nakakahawang sakit.

“Kapag hindi po natin napigilan ang pagdami ng HIV, aabot tayo sa lampas 400,000 people living with HIV,” saad ni Herbosa.

Nauna nang nanawagan ang kalihim sa Pangulo na magdeklara ng national public health emergency sa HIV bilang tugon sa 500 percent na pagsirit sa bagong impeksyon.

Binigyang-diin ni Herbosa na ang epidemya ay tumatama na ngayon sa mas nakababatang Pilipino.

Sa tumataas na banta, nanawagan si Herbosa para sa isang pagpapaigting ng tugon ng bansa, lalo na sa testing, prevention, at treatment.

Binigyang-diin ni Herbosa na ang HIV ay hindi na sentensiya ng kamatayan, ngunit ang bansa ay dapat magpatibay ng whole-of-society at whole-of-government approach upang baligtarin ang tumataas na trend.

Upang madagdagan ang maagang pagtuklas, hinihikayat ng DOH ang paggamit ng HIV self-test kits, na available na ngayon sa mga parmasya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here