MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang padalang mula Europa na may lamang hinihinalang ecstasy sa isang operasyon sa UPS Warehouse sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Ang kahina-hinalang kahon ay idineklarang “animal food” ngunit natuklasang naglalaman ng apat na vacuum-sealed na pakete ng ipinagbabawal na gamot.
Ang padala ay mula sa France at nakapangalan sa isang Jerico Gregorio Causon ng Taguig City. Patuloy pa ang imbentaryo at dokumentasyon. RNT