Home OPINION MAY ‘ANOMALYA’ NGA BA SA MBHTE?

MAY ‘ANOMALYA’ NGA BA SA MBHTE?

253
0

MAY panawagan pala sa Malakanyang at Commission on Audit na “silipin” ang umano’y mga “anomalya” sa mga transaksyon ng ‘Ministry of Basic, Higher, and Technical Education’ ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Isa na rito ay ang pagpapalabas umano ng P1.7 bilyon mula sa kaban ng BARMM sa loob lamang ng isang araw, noong Marso 7, 2025, para sa ‘Learner’s Kits’ at ‘Teacher’s Kits’ bilang preparasyon sa pagbubukas ng mga eskwelahan ngayong buwan.

Bulong sa atin ng mga miron, mayroon nang mga testimonya ang ilang ‘insiders’ sa BARMM hinggil sa umano’y ‘questionable transactions’ ng MBHTE.

At totoo nga bang lumabas ang pondo pero hindi alam ng hepe sa ‘Finance Division’ kaya hindi narepaso ang detalye ng mga gastusin kahit ito ang itinatakda ng mga umiiral na batas at regulasyon?

Ano kaya ang masasabi dito ni ex-Moro Islamic Liberation Front o MILF commander at MBHTE minister, Mohagher Mohammad Iqbal?

Take note, mga kabayan, katulad sa ating pambansang badyet, ang MBHTE ang may pinakamalaking badyet sa BARMM dahil may kinalaman ito sa edukasyon o higit P36 bilyon na halos ‘one-third’ sa kabuuang badyet ng rehiyon.

Sabagay nga, matagal nang nahaharap sa mga kontrobersiya ang MBHTE, kasama na rito na kahit nabayaran na, “ibinebenta” umano sa mga titser ang kanilang ‘Teacher’s Kits.’

Nakikialam din umano itong si Apsi ‘Boss A’ Abas, pamangkin ni Minister Iqbal sa mga transaksyon at operasyon ng MBHTE.

Mayroon pa umanong insidente noong 2022 na “ipinahinto” ni Abas ang naka-iskedyul na ‘training program’ para sa mga titser sa BARMM dahil hindi ang kanyang “inirekomenda” na mga hotel ang kinuha bilang ‘venues’ ng nasabing programa.

“Nadoble” ang problema dahil siyempre naman, “naningil” din ang mga hotel na nabigyan ng kontrata dahil nga biglang-bigla, “kanselado” na pala ang training program, aguy!

Ang siste, “nagbabanta” ang mga hotel na idemanda ang BARMM ‘for breach of contract.’

Bukas naman ang ating pitak sa anomang paliwanag ni Minister Iqbal.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here