MANILA, Philippines – Pinaiigting ng DOH ang tamang edukasyon at kahandaan ng mamamayang gumamit ng kalsada tungo sa pag-iwas sa road crash incidents.
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng importansya ng prevention o pag-iwas sa sakuna na malaking bahagi ng pangangalaga sa kalusugan.
Kaya naman maigting ang kampanya ng DOH na palaksin ang edukasyon tungo sa road safety dahil sa patuloy na pagtaas ng mga insidente ng road crashes o mga banggaan sa bansa.
Nagbibigay din ang DOH ng libreng check-up, mental health support, at safety simulations para sa mga nagmamaneho.
Binigyang-diin ng ahensya ang epekto ng mental wellness sa road safety.
Namamahagi rin ng libreng maintenance medicines, multivitamins, healthy snacks, at tubig upang mapanatiling alerto at ligtas ang mga biyahero.
Taun-taon, tinatayang nasa 12,000 Pilipino ang nasasawi dahil sa banggaan sa kalsada o 33 katao kada araw.
Importante sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konsepto ng prevention o pag-iwas sa sakuna na malaking bahagi ng pangangalaga sa kalusugan saan man magpunta ang Pilipino kung saan kaagapay ang DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden