Home OPINION KAMPANYA PARA SA OPEN BICAM

KAMPANYA PARA SA OPEN BICAM

278
0

ANONG zarzuela ito? Sa isang press con nitong Miyerkules, may paandar si Speaker Martin Romualdez — isinusulong niya ang transparency sa bicameral budget conference. At tulad ng isang cheerleader na naiwan sa bleachers, tinangka ni House Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na ibida ang paandar, tinawag itong matapang na hakbangin at tungkulin ng isang may moralidad.

Pasensiya na sa aking pagdududa, pero bagamat sang-ayon akong dapat na may transparency sa bicam, mistulang inuuto lang tayo ni Romualdez para malibang, na parang isang magician. Na para bang wala siyang kinalaman sa magic ng pagba-budget!

Hindi ba’t siya rin ang Speaker na nagpalusot sa bilyun-bilyong pisong paglobo ng confidential funds, insertions, at district-budget?

So, kung mayroon mang dapat na palakpakan sa panawagan na isapubliko ang mga bicameral conference committee meetings sa pambansang budget para sa susunod na taon, hindi iyon mula sa Kongreso.

Mas gusto kong ibida ang post ni Cielo Magno: Usisain n’yo ang inyong district congressman kung ano ang kanilang paninindigan. Hilingin n’yo sa kanila na todong suportahan ang open bicam. I-livestream. Para matutukan ito ng publiko.

Bawat sentimo ng budget na ito ay mula sa atin, kaya karapatan nating iginiit ang isang must-know policy, hindi ang need-to-know excuse sa mga biglaang isinisingit sa panukalang budget.

Stranded sa Iran

Sa kasalukuyan, sa Iran, isang Filipino-Iranian na haligi ng tahanan — na ang anak at misis ay parehong Pilipino — ang nagmamakaawang mailikas mula sa lugar ng digmaan. Binomba ang bahay nila sa Tehran. Tumakas sila patungong Caspian Sea. Pero dedma sa kanila ang embahada ng Pilipinas.

Ang tanging pagkakasala nila? Walang pasaporte bilang Pilipino ang kanilang ama. Malinaw naman sa akin — prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas na ilikas ang mga Pilipino. Una, lalamya-lamya na nga ang Presidente na isakatuparan ito — ‘yan ang napag-alaman ko mula sa maraming pamilyang Fil-Iranian doon.

Pero paano nga ba natin tatalakayin ang tungkol sa tunay na mapagmalasakit na pagliligtas, kung sa isang pamilya ng mga nagmamay-ari ng pasaporte ng Pilipinas, iniwan sa ere ng gobyerno ang kanilang padre de pamilya dahil sa paniniwalang hindi siya Pilipino? Huwag nating kakalimutan: isang lalaking may malalim na ugat sa Pilipinas ang pinag-uusapan natin — hindi lang isang Philippine passport.

Hindi ito problema ng iisang pamilyang Fil-Iranian lang, kundi ng napakaraming tulad nila.

Habang isinusulat ito ay may umiiral na ceasefire. May pagkakataon sa ngayon na maisalba ang mga mixed-race family na ito – lahat ng miyembro ng pamilya — bago pa muling magpaulan ng bomba mula sa kalangitan. Umaasa tayo na bibilisan ng Department of Foreign Affairs, sa utos ng Presidente, ang epektibong pagkilos para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here