Home OPINION SSS NAGSAGAWA NG ‘RACE’ SA ‘DI NAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON SA ISABELA

SSS NAGSAGAWA NG ‘RACE’ SA ‘DI NAGBABAYAD NG KONTRIBUSYON SA ISABELA

317
0

NAGSAGAWA ng operation ang Social Security System (SSS) Ilagan, Isabela branch laban sa siyam na employer sa lung­sod na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga emple­yado, sa ilalim ng programang Run After Contribution Evaders o RACE campaign ng ahensya.

Sa isinagawang operasyon ng SSS nitong Hunyo 2025, per­sonal na inabot ang mga sulat- ultimatum sa delinquent emplo­yers na may kabuuang atraso na halos Php 290,000.

Sinabi ni SSS Ilagan branch manager Jesus Gonzales na la­yunin ng programa na hikayatin ang mga employer na tuparin ang kanilang obligasyon sa ilalim ng batas upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mangga­gawa sa mga benepisyo tulad ng retirement, pagkakasakit, kapansanan, at kamatayan.

Dagdag pa ni Branch Mana­ger Gonzales, hindi nais ng SSS na parusahan lang ang mga emplo­yer, pangunahing layunin nilang gabayan ang mga ito upang maisaayos ang kanilang mga re­cord at maiwasan ang mas mabigat na parusa.

Sa mga nasabing pasaway, da­lawa sa mga employer ang nadiskubreng hindi rehistrado sa SSS, kaya’t sinimulan na rin ang proseso upang maparehistro ang mga ito at maitala ang kanilang mga manggagawa.

Base sa patakaran ng SSS, ang mga employer na makatang­gap ng sulat-ultimatum ay may 15 araw para sumunod sa mga kinakailangan, kabilang ang pagpaparehistro ng kompanya at mga empleyado, pagre-report ng kontribusyon, at pagre-remit ng bayad. Kung hindi makasusunod, maaaring humarap ang mga ito sa ligal na aksyon o multang alinsunod sa Social Security Law o ang Republic Act No. 11199.

Patuloy ang panawagan ng SSS sa mga employer sa buong rehiyon na agad makipag-ugna­yan sa pinakamalapit na sangay upang maiwasan ang anomang ligal na abala, at upang matiyak na ligtas at protektado ang kinabukasan ng kanilang mga manggagawa.

Paalala ng SSS sa mga pasaway na employer, maaaring mag-avail ng Penalty Condonation Program kung saan maaa­­ring mabawasan o matanggal ang multa kung sila ay magbabayad o makikipag-areglo. Bukas din ang ahensya sa payment installment schemes para sa mga employer na may malala­king obligasyon.

Ang RACE Campaign ay re­gu­lar na isinasagawa hindi lamang sa urban centers kundi pati sa mga malalayong probinsya upang matiyak ang pagsunod ng lahat ng employer, malaki man o maliit ang negosyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here