Home METRO 2 ‘sadistang’ mister, pinakulong ng mga misis

2 ‘sadistang’ mister, pinakulong ng mga misis

195
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking lasing matapos umanong walang habas na nagpaputok ng baril sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report ni SJDM chief of police, PLTCOL Edilmar Alviar, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dro”.

Ayon sa report ng SJDM police starion, naganap ang insidente bandang 10:00 ng gabi noong Hulyo 5 sa Brgy. Poblacion.

Nabatid na isinumbong mismo ng kalive-in sa mga pulis ang pagpapaputok ng mister kaya agad rumesponde sa lugar at naaresto kalaunan ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang Caliber .45 Norinco pistol, na kargado ng magazine, 12 bala, isa pang magazine na may 10 bala, fired cartridge case, magazine pouch at holster.

Huli rin ng SJDM police ang isa pang mister na si alyas “Ruel,” na umanoy nanakal at nanakot gamit ang baril sa kanyang asawa bandang 4:00 ng hapon sa Brgy. Sta. Cruz sa kaparehong petsa.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad silang tumulak sa lugar hanggang sa naaresto ang suspek at nasamsam sa kanya ang cal .38 at isang gun replica.

Nahaharap ang dalawang mister sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here