Home OPINION BAHA SA TEXAS ISTAYL YOLANDA

BAHA SA TEXAS ISTAYL YOLANDA

260
0

ALAM ba ninyong magkapareho ang storm surge o daluyong ng bagyong Yolanda at ang baha sa Texas sa Amerika ngayon?

Ang daluyong ng Yolanda noong Nobyembre 2013, umabot sa 5 metro ang taas sa isang lugar, 7 metro sa iba at 8-9 metro sa iba pa.

Tumama sa Tacloban City, Leyte ang 7 metro.

Sa kabuuan, may namatay na 6,352, missing na 1,071 at sugatang 28,781, karamihan sa Leyte.

Ipinalalagay na patay rin ang mga missing kaya halos 7,000 ang namatay at iba pa ang mga nasawi sa mga nasugatan.

Sa Texas, umabot din sa 8 metro ang taas ng rumaragasang baha mula sa malalakas at siyam-siyam na ulan.

Katumbas ito ng 3 palapag na bahay at naranasan noon ito sa Leyte sa Yolanda.

Dahil sa tindi ng rumaragasang baha na tumama pati sa mga campsite na may mga batang nagka-camping, may 110 nang kumpirmadong patay habang 161 ang missing.

Kabilang sa mga umapaw nang husto ng tubig ang Guadalupe River.

Apektado ng mapanira sa buhay at ari-arian ang limang lalawigan o county sa Texas, kabilang na ang Kerr na may 87 patay, kasama ang 30 bata; Travis – 7 patay; Burnett – 5; Kendal – 7; Tom Green – 1; Williamson – 4.

May missing namang 161.

Ang good news lang sa atin, hanggang ngayon walang naiuulat na Pinoy na namatay o missing.

Tinatalakay natin ito upang maging laman ng ating mga isipan sa paghahanda sa mga dumarating na bagyo at nagaganap na pag-ulan, habagat na lumilikha ng mga baha at landslide na nakasisira ng buhay, ari-arian at pinagkakakitaan.

Sa nangyayaring ganito, laging magkakaroon ng lakas ang lahat, mamamayan at pamahalaan, para humarap sa sakuna kung may pagtutulungan at pagkakaisa.

Dapat puksain din ang mga mapagsamantala, magnanakaw o switik sa maraming bagay sa ganitong kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here