Home METRO Municipal engineer tumimbuwang sa tambang

Municipal engineer tumimbuwang sa tambang

185
0

MAGUINDANAO DEL SUR — Patay ang isang municipal engineer habang nakaligtas ang tatlo nitong kasama matapos silang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang armadong salarin kagabi sa bayan ng Shariff Aguak.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Syed Ariff Malang, municipal engineer ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, Bangsamoro region.

Batay sa paunang report ng Shariff Aguak Municipal Police Station, naganap ang krimen nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 16, sa national highway na sakop ng Barangay Timbangan ng naturang bayan.

Ayon sa pulisya, sakay ng kanyang Toyota Hilux pick-up kasama ang tatlo nitong kasama nang bigla na lamang silang tambangan at pinaulanan ng bala.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek para sa agarang pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here