HALOS isang linggo bago ang 2025 SEA V.League, hindi pa rin tapos si Alas Pilipinas head coach Jorge Souza de Brito sa pagpili ng opisyal na 14-man lineup.
Gaganapin ang Leg 1 sa Thailand mula Agosto 1–3 at ang Leg 2 sa Vietnam mula Agosto 8–10.
Bagama’t maraming manlalaro ang nasa pool, kilala si de Brito sa pag-eeksperimento sa posisyon ng kanyang mga atleta.
Ito ay bahagi ng kanyang estratehiya mula nang pamunuan niya ang pambansang koponan.
Noong 2024 AVC Challenge Cup, matagumpay niyang ginamit si Angel Canino—isang natural outside spiker—bilang opposite spiker.
Hindi lang sila nag-uwi ng bronze medal, kundi nagkamit din si Canino ng “Best Opposite Spiker” award.
Ganito rin ang ginawa ni de Brito kina Jema Galanza at Cherry Nunag, na ginamit bilang mga liberos sa 2024 FIVB Challenger Cup.
Pinatunayan ng coach na may bisa ang kanyang taktika kahit kontra sa tradisyunal na estilo.
Kamakailan lang sa 2025 VTV Cup, sina Tia Andaya at Brooke Van Sickle ay ginamit ding opposite spikers, na nagpamalas ng versatility ng koponan. Ang ganitong estratehiya ay nagdadala ng flexibility at sorpresa sa kalaban.GP