Home NATIONWIDE #SONA2025 ni PBBM tatagal ng higit isang oras -PCO

#SONA2025 ni PBBM tatagal ng higit isang oras -PCO

273
0

MANILA, Philippines – Tatagal ng mahigit isang oras ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay ayon sa Presidential Communications Office nitong Lunes ng umaga.

Sinabi rin ng PCO na natapos ng Pangulo ang kanyang talumpati. Noong Linggo ng gabi, isang maikling clip ang inilabas na nagpapakita kay Marcos na nagsasanay ng kanyang SONA.

Sinabi ng PCO na magdedepende pa rin sa lagay ng panahon ngayong hapon kung sasakay si Marcos sa chopper papuntang Batasang Pambansa para sa SONA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here