Home HOME BANNER STORY 0.9% inflation rate nitong Hulyo, “magic” – Malakanyang

0.9% inflation rate nitong Hulyo, “magic” – Malakanyang

294
0

MANILA, Philippines – INILARAWAN ng Malakanyang na isang “magic” ang 0.9% inflation rate nitong Hulyo, ang pinakamababang antas nito sa halos anim na taon sa gitna ng global economic uncertainties.

“Maganda pong ulat ’yan,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang briefing kasama ang Philippine media delegation sa India, kung saan kasalukuyang naroroon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang five-day state visit.

Tinukoy ni Castro ang iba’t ibang global challenges gaya ng labanan sa Gitnang Silangan, nagpapatuloy na giyera sa Ukraine, at alalahanin sa taripa sa Estados Unidos, na maaaring magtulak sa inflation sa mas mataas na antas.

Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Castro na napapangasiwaan naman ng Pilipinas ang pananatiling matatag ng presyo.

“Parang nagkaroon ng magic… mahirap po talaga sa panahong ito,” ang winika pa rin ni Castro.

Ang napaulat na pagbagal ng inflation, ayon kay Castro, ay maaaring mai-attribute sa mas mababang presyo ng bigas at gulay.

“Kapag wala pa mga external na kondisyon o circumstances na makakaapekto dito, maaari pong magtuloy-tuloy ang magandang balita na ’yan,” aniya pa.

Sa ulat, bumagal ang inflation rate ng bansa sa pinakamababang antas nito sa halos anim na taon, nito lamang Hulyo, dahil sa mas mabagal na pagtaas ng utilities costs at ang pagbaba ng presyo ng food commodities sa nasabing panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation print ng nakaraang buwan, na sumusukat sa rate of growth sa mga presyo ng consumer goods and services — bumagal sa 0.9% mula 1.4% nito lamang buwan ng Hunyo.

Ito ang pinakamababang inflation print na naitala simula Oktubre 2019, nang ito ay tumama sa 0.6%.

Ang inflation rate ng nakaraang buwan ay mas mabagal din kaysa sa 4.4% rate noong Hulyo 2024.

Ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo ay nagdala sa year-to-date national average rate na 1.7%, na nasa ibaba pa rin ng comfortable inflation rate ceiling ng gobyerno na 2% hanggang 4% para sa taong 2025.

“Ang pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation nitong Hulyo 2025 kaysa noong Hunyo 2025 ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may 2.1% inflation rate [from 3.2% in June],” ayon kay Mapa.

“Ito ay may 45.1% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa,” dagdag na pahayag ni Mapa.

Ito’y dahil sa mas mabagal na pagtaas sa halaga ng elektrisidad na may rate na 1.3% mula 7.4% month-on-month, at pagbaba sa liquefied petroleum gas (LPG) mula 1.5% ay naging 0.7%.

“Also contributing to the July inflation rate’s deceleration was the contraction in the inflation rate of Food and Non-Alcoholic Beverages to -0.2% from 0.4% in the prior month,” ang sinabi ni Mapa.

Ang Food and Non-Alcoholic Beverages ay nakapag-ambag ng 43.4% sa overall inflation decline.

“The index contracted amid the further deflation in cereals (which includes rice) to -11.5% from -10.3%, as well as the contraction in vegetables’ costs to -4.7% from -2.8%,” ang sinabi pa rin ni Mapa.

Samantala, ang mga prutas at nuts ay nakitaan ng pagbagal sa 8% mula 9.7%.

Ang ikatlong contributor sa overall inflation decline ay ang Transport index, na pumalo sa 6.9%, “which contracted further to -2.0% from -1.6% on the back of the easing in transport by sea costs to 5.2% from 24.8%, bigger contractions in gasoline to -10% from -8.9% and airfares to -11.8% from -1.9%,” ayon sa PSA.

Consistent sa overall inflation’s downtrend, ang food inflation — sinusubaybayan ang price movements ng food items sa isang “basket” na karaniwang binibili ng mga kabahayan — nabawasan at naging 0.5% mula sa 0.1% month-on-month.

Ito’y dahil sa patuloy na deflation sa bigas na -15.9% mula -14.3% sa buwan ng Hunyo.

Ang mais ay nakitaan naman ng faster contraction na -15.9% mula -14.5% sa naunang buwan.

“Lower inflation rates in July were also seen in the following food items:

Meat and other parts of slaughtered land animals at 8.8% from 9.1%

Milk, other dairy products and eggs at 5% from 5.1%

Ready-made food and other food products at 2% from 2.2%,”** ayon sa PSA.

Naramdaman ang inflation ng kinokonsiderang ‘bottom 30% income households’ sa bansa, bumaligtad sa -0.8% mula sa 5.8% noong Hunyo.

“This is primarily driven by the Food and Non-Alcoholic Beverages index, which contracted faster to -3% from -2.2% month-on-month due to decline in rice to -17.8% from -16%, corn to -17.7% from -16%, and vegetables to -1.9% from 0.1%,” ang sinabi pa rin ng PSA.

“While we expect the overall inflation for 2025 to remain favorable and supportive of domestic demand, we remain vigilant against external risks, including global policy shifts and geopolitical tensions,” ang sinabi naman ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan.

Winika ni Balisacan na sa kabila ng kamakailan lamang na weather disturbances, ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) “forecasts a relatively favorable climate outlook” na may siyam hanggang 17 tropical cyclones na inaasahang tatama at mararanasan sa pagitan ng August 2025 at January 2026.

“But the prevailing ENSO (El Niño–Southern Oscillation)-neutral condition is likely to support stable agricultural production,” ang sinabi pa rin ni Balisacan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here