Home NATIONWIDE “None of the Above” sa balota, pag-aaralan ng Comelec, political parties

“None of the Above” sa balota, pag-aaralan ng Comelec, political parties

237
0

MANILA, Philippines – Tatalakayin ng Commission on Elections(Comelec) at iba pang political parties at election watchdogs ang planong paglalagay ng “None of the Above” sa balota na isang opyson para sa mga botante na walang gustong iboto na kandidato o partido.

Ito ay matapos magpatawag ng isang extermely urgent meeting ang Comelec na ayon kay Chairman George Garcia ay mahalagang ipresenta sa lahat ang nasabing opsyon para makuha ang kanilang opinyon lalo’t malapit na ang BARMM Parliamentary Elections na nakatakda sa Oktubre 13, 2025.

Kasama sa pagtalakay sa usapin ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Legal Network for Truthful Elections (LENTE).

Ayon sa Comelec, nais lamang linawin ng poll body kung papaano haharapin ang sitwasyon kung sakaling manalo o makakuha ng higit sa kalahating boto ang “None of the Above,” dahil wala itong sagot sa kasalukuyang Election Code.

Layon din ng komisyon sa nasabing pagpupulong na bumuo ng malinaw na guidelines kasama ang mga partido para maiwasan ang anumang kaguluhan kung mangyari man ito sa BARMM Elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here