Home NATIONWIDE Malawakang balasahan ng district engineers, aprub ni Bonoan

Malawakang balasahan ng district engineers, aprub ni Bonoan

211
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Public Works Secretary Manuel Bonoan ang nationwide rotation ng mga district engineer bilang bahagi ng patakaran na paglilipat kada tatlong taon upang masiguro ang pananagutan sa mga proyekto sa flood control.

Kasunod ito ng panawagan ni Senador JV Ejercito na imbestigahan ang mga ghost project at posibleng sabwatan ng ilang opisyal at kontraktor. Nauna nang ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 20% ng ₱545-bilyong pondo sa flood control ay napunta lamang sa 15 kontraktor. Naglunsad din siya ng public portal para sa pag-uulat ng kahina-hinalang proyekto.

Kinumpirma ni Bonoan na dadalo siya sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa mga iregularidad. Patuloy na ang mga inspeksyon, kabilang ang imbestigasyon sa St. Timothy Construction Corp. na responsable sa pumalyang proyekto sa Calumpit, Bulacan na nag-iwan sa mga residente na nakalubog sa baha nang ilang linggo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here