Home OPINION LISTAHAN NG MGA ‘BLACKLISTED’ ASAN NGA BA?

LISTAHAN NG MGA ‘BLACKLISTED’ ASAN NGA BA?

287
0

NATUTUWA tayo na bagaman hindi kami personal na magkakilala, pinaunlakan ni Surigao del Sur First Congressional District Rep. Romeo Momo, na makapanayam natin siya nitong Huwebes sa ating regular na programang “Prangkahan” sa ‘FlashTV’ online news channel.

Kumbaga sa Boxing, ‘two-times champion’ si Cong. Momo bilang pangulo ng ‘PICE’ (Philippine Institute of Civil Engineers), ang pinakamalaki at respetadong samahan ng ‘civil engineers’ sa buong bansa.

Si Momo ang kasalukuyang Chairman ng House Committee on Public Works and Highways, na hindi dapat ipagtaka dahil nga sa kanyang karanasan bilang civil engineer.

Aniya, hindi dapat ‘TH’ (tamang hinala) ang publiko sa binabalak na bukod na imbestigasyon ng Kongreso sa harap ng mga kontrobersiya hinggil sa ‘flood control projects,’ kahit pa nga nakatutok na ngayon ang madla sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Rodante Marcoleta.

At isa sa mga gustong panagutin ni Momo ay itong mga nasa likod ng mga “multong proyekto” (ghost projects). Malinaw nga naman kasi: hindi lang ito isang malaking panloloko. Isa rin itong malinaw na kaso ng pandarambong sa pondo ng bayan.

Hindi lang ‘yan. Isa pa kasing anomalya sa ‘public works projects’ na gustong mabigyan ng hustisya ng mambabatas ay ang patuloy na pagpayag ng Department of Public Works and Highways, na makasali pa rin sa mga ‘bidding’ ang mga ‘blacklisted’ na mga kontratista.

Sa totoo lang kasi, ang pagiging “bulag” ng mga ‘BAC’ (Bids and Awards Committee) sa patuloy na pagsali ng mga ‘blacklisted’ na kontraktor ay isang matagal at paulit-ulit na problema, aguy!

Aber, ang ganitong tiwaling sistema ang matagal nang ipinupunto nitong ating kaibigan na si Chairman Carlo Batalla ng Crime and Corruption Watch International pero patuloy pa ring nangyayari!

Ayon pa kay Congressman, nakahanda siyang “talupan” ang mga kontraktor na ito at kanilang mga “padrino.”

Kung mangyari, abah, may makakasuhan at may makukulong, hindi ba mga kabayan?

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here