Home NATIONWIDE Kennon Road rock shed project, ininspeksyon ni PBBM

Kennon Road rock shed project, ininspeksyon ni PBBM

254
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang ginagawang pagsuyod ni Pangulong Ferdinand Marcos sa mga proyektong ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa katunayan, personal na ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang rock shed project sa Benguet province at nagako na tutugunan ang mga kontrovbersiya na nakapalibot sa nabigo at nonexistent infrastructure projects na ipinatutupad nga ng DPWH bago matapos ang kanyang termino sa loob ng tatlong taon.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Pangulo habang nasaksihan niya ang panibagong ‘ bungol’ na proyekto na pinangangasiwaan ng DPWH sa Benguet province.

Sa kabilang dako, sinamahan naman ng mga local government officials si Pangulong Marcos sa pagbisita sa rock shed at Purok Millsite, Sitio Camp 6 sa Barangay Camp 4, sa kahabaan ng Kennon Road sa Tuba town.

Inilarawan naman ni Pangulong Marcos na ang proyekto ay “sloppily made” matapos na ang ilang bahagi nito ay babagsak na dahil sa pagkasira ng lupa sa panahon ng bagyong Emong noong Hulyo.

“The P260 million that the government spent on this project had no effect whatsoever as to protect the slope. Parang walang ginawa,” ang sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag.

“It’s like they did not build anything — no walls, no riprap, no slope protection. That’s what happened. That’s why the value of their work is zero, complete, zero,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, nanawagan naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kasama ng Pangulo sa pag-inspeksyon , sa third-party audit na i-determina ang tunay na kalagayan ng proyekto.

Ani Magalong, mayroon aniyang pangangailagan na i-assess “whether, apart from natural factors, human factors such as design flaws and construction errors” nakapag-ambag sa pagguho ng foothold ng rock shed.

Binigyang diin ni Magalong, chairman ng Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay Development Authority (BLISTTDA), na dapat na binibigyan ng sapat na pondo ang proyektong ito, isang “class A” quality standards.

Tinuran ni Pangulong Marcos na may mga lokal na alkalde ang nag-ulat na ang monthlong closure ng Kennon Road ang naging dahilan para mawalan ng kita ang ilang negosyo sa Cordillera Administrative Region.

“So it’s not only the physical damage that you can see but it is also the damage to the economy. It is also the damage to the people’s livelihood,” ani Pangulong Marcos.

“People here are just working honorably, and then 35 percent of what they should have earned was lost just because of people who have stolen from the government’s coffers,” aniya pa rin.

Nangako naman si Pangulong Marcos na tutugunan ang lahat ng infrastructure issues sa nalalabing panahon ng kanyang termino.

“If there’s one thing [that I promise], I will not leave this office until it (the government) fixes this issue,” aniya pa rin. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here