MANILA, Philippines – Umaabot na sa 260 ang naitalang kumpirmadong kaso ng leptospirosos sa lungsod ng Maynila.
Nagmula sa anim na ospital ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bilang ng mga pasyenteng tinaman ng nasabing sakit.
Nasa 114 na pasyente ang naitala sa Ospital ng Maynila Medical Center habang 49 sa Sta. Ana Hospital at 38 sa Ospital ng Tondo.
Aabot sa 35 ang naitala sa Ospital ng Sampaloc, 23 at isa ang nananatili sa Justice Jose Abab Santos General Hospital.
Nasa 35 ang naitalang nasawi sa leptospirosis kung saan nakamonitor naman ang Manila Health Department sa 15 pasyente na kasalukuyang naka-admit.
Inaabisuhan ang iba na agad kumonsulta sa doktor kung makararanas ng anumang sintomas ng leptospirosis habang maaari rin magtungo sa mga health centers para magpatingin at makahingi ng gamot na doxycycline bilang panlaban sa sakit.
Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng may pagtaas pa ng mga kaso ng leptospirosis dahil sa mga pag-ulan na nararanasan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden