Home METRO Guro, 2 pa utas sa salpukan ng motorsiklo

Guro, 2 pa utas sa salpukan ng motorsiklo

209
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Patay ang tatlong katao kabilang ang isang guro matapos magsalpukan ang mga minamaneho nilang motorsiklo, noong Linggo sa bayan ng Siaton.

Dead-on-arrival sa ospital ang guro, 27-anyos na rider at angkas nito sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Ayon kay P/SMSGT. Jose Marie Tayko, imbestigador ng Siaton Traffic Police station, naganap ang insidente sa pakurbadang bahagi ng Barangay Malabuhan Linggo ng gabi Agosto 24, 2025.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang Skygo motorcycle at napunta sa linya ng sniper na motorsiklo; dahil kapwa mabilis ang takbo ng dalawa, nagkabanggaan ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here