Home OPINION π‡π”πŒπ€ππˆπ“π€π‘πˆπ€π DR. π‘πŽππ„π‘π“ C. π’π˜ – πˆπ’π€ππ† ππ”π‡π€π˜ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ, πˆπ’π€ππ† ππ€πŒπ€ππ€...

π‡π”πŒπ€ππˆπ“π€π‘πˆπ€π DR. π‘πŽππ„π‘π“ C. π’π˜ – πˆπ’π€ππ† ππ”π‡π€π˜ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ, πˆπ’π€ππ† ππ€πŒπ€ππ€ 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀

770
0

SA isang panahon kung kailan ang pagpapagamot ng karamdaman ay madalas inuugnay sa mataas na gastusin, may isang doktor na patuloy na nagbibigay- liwanag sa mga pasyente na walang kakayahang magbayad. Siya si Dr. Robert Sy, kinikilalang β€œhumanitarian doctor” na mula pa noong 1973 hanggang sa kaΒ­salukuyan ay hindi kailanman naningil ng professional fee (PF) para sa kanyang serbisyo. Sa loob ng mahigit limang dekada, nanatili siyang tapat sa kanyang pangako na nagsimula sa inspirasyon ng kanyang ama.

Noong kanyang kabataan, abogasya ang kanyang pangaΒ­rap. Ngunit dumating ang isang sandaling binago ng kanyang ama ang takbo ng kanyang landas.

Sa payo nito, napagtanto niΒ­yang imbes na nakalaan sa paglilitis, nagbago ang kanyang misyon – maging doktor, at magΒ­lingkod nang walang hinihinging kapalit.

At mula nga noong 1973, naΒ­nindigan siya sa pangakong iyon. Hanggang ngayon, wala ni isang pasyente ang nakatikim ng siΒ­ngil para sa kanyang professional fee.

Naging matatag na katuwang si Dr. Sy ng Chinese GeneΒ­ral Hospital and Medical Center (CGHMC), isa sa mga pinakamaΒ­tandang ospital sa Pilipinas na pinatatakbo mula sa mga donasyong pangkawanggawa. Sa loob ng mahigit kalahating siglo, hinubog siya ng ospital na ito at siya rin ay naging malaking baΒ­hagi ng kasaysayan nito.

Naging resident surgeon siΒ­ya noong 1977 at naitalagang chief resident surgery noong 1980.

Mula 2005 hanggang 2018 ay nagsilbing associate medical director at noong 2016 ay naitalagang senior vice president for hospital infrastructure management and construction.

Kasabay ng kanyang tungΒ­kulin bilang manggagamot, giΒ­namΒ­Β­panan din niya ang iba’t ibang liderato sa ospital, palatandaan ng kanyang dedikasyon hindi lamang sa mga pasyente kundi paΒ­ti na rin sa institusyon at kapwa manggagamot.

Hindi natatapos ang kanΒ­yang misyon sa loob ng ospital. Aktibong lumalahok si Dr. Sy sa iba’t ibang medical mission at nagsaΒ­sagawa ng minor surgeΒ­ries kaΒ­Β­tulad ng pagtanggal ng cyst para sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad.

Para sa kanya, walang maΒ­liit o malaking operasyon, lahat ng pasyente ay pantay na kaΒ­rapat-dapat sa atensyon at pag-aaruga.
Libo-libong buhay na ang kanΒ­Β­yang naoperahan, tinulungan, at pinagaling. Ang ilan ay manggagawa, ang iba’y simpleng magulang, at marami ay kapus-paΒ­lad na kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi kailanman nakalapit sa serbisyong medikal.

Maliban sa CGHMC, aktibo rin si Dr. Sy sa iba’t ibang organisasyon na kilala sa mga gawaing pangkawanggawa kabiΒ­lang ang Lions Club International Foundation District 301-A1, Tzu Chi BuddΒ­hist Foundation PhiΒ­lippines, Philippine Red Cross – Manila Chapter, University of the Philippines Alumni AssoΒ­ciation, Inc., Chiang Kai Shek ColleΒ­ge Alumni Association, Manila Chinese Action Team, at Aloha Medical Mission na nakabase sa Honolulu, Hawaii kung saan siya ay designadong Philippine chief coordinator.

Sa rami ng kanyang mga naoperahan at natulungan, si Dr. Sy ay hindi lamang basta manggagamot; siya ay naging buhay na simbolo ng pag-asa. Sa panahon kung kailan nagiging isang β€œmoney-making business” na ang serbisyong pangkalusugan, pinatunayan niyang posible pa ring umiral ang ganap na malasakit, at isang pagseserbisyong walang hinihinging kapalit.

Hanggang sa kasalukuΒ­yan, tumitindig si Dr. Sy bilang huwaran ng propesyonalismo at tunay na malasakit. Ang kanΒ­yang mahigit kalahating siglo ng libreng paglilingkod ay nagsilbing patunay na ang tunay na kayamanan ng isang doktor ay hindi nasusukat sa laki ng kanyang kinikita, kundi sa rami ng buhay na kanyang nailigtas at natulungan.

Sa bawat operasyong isiΒ­naΒ­gawa, sa bawat pasyenteng natulungan, at sa bawat misyon ng pag-asa, ipinakikita ni Dr. Sy na ang tunay na tagumpay ng isang manggagamot ay makikita sa ngiti at ginhawa ng kanyang kapwa na masusuklian ng isang simpleng pasasalamat at pagtulong din sa kapwa.
Si Dr. Sy ay hindi lamang nagΒ­bigay-kaluwagan sa mahal na pagpapagamot, kundi nagbiΒ­gay ng kayamanang higit pa sa pera – pag-asa, buhay, at insΒ­pirasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here