Home METRO Suspek na nanloob, nanggahasa sa masahista sa Pasay, sumuko

Suspek na nanloob, nanggahasa sa masahista sa Pasay, sumuko

284
0
(c) Jimmy Hao

MANILA, Philippines – Iprinisinta kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang isa sa dalawang suspek na nadakip sa isinagawang manhunt operation sa Legaspi, Bicol, na tumangay ng mga mahahalagang gamit ng 13 masahista at di-umanoý nanggahasa pa ng dalawang biktima nitong nakaraang Biyernes ng madaling araw.

Sa pagprisinta sa suspek kay Calixto-Rubiano ay kabilang sa isinagawang press conference sina National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/Maj. Gen. Anthony A. Aberin, Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo at Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto.

Ayon kay Calixto-Rubiano, sa ikinasang malawakang manhunt operation ng Pasay City police na pinamumunuan ni De Sesto ay inaresto ang isa sa mga suspek na nakilalang si alyas Jared, residente ng Pasay City, dakong alas 12:34 ng madaling araw nitong Lunes, Setyembre 1, sa Barangay 37, Bitano, Legaspi City, Albay, Bicol.

Sa pagsasagawa ng follow-up investigation ng mga miyembro ng Special Investigation and Tracker Team (SSIT) ay natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na ikinadakip ni alyas Jared habang si alyas Ashley, 23, residente ng Baclaran, Paranaque City, at Don Carlos Village, Pasay City, ay patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad.

Ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek ay napag-alaman matapos positibo itong ituro ng kanilang mga nabiktima na nangulimbat ng kanilang mga pera at gamit.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya ay napag-alaman na ang naarestong si alyas Jared ay naging dating kasintahan ng isa sa mga biktima na napatunayang wala namang kinalaman sa naganap na krimen.

Sinabi din ni De Sesto na kanilang nakumbinsi ang asawa ni alyas Jared na si alyas Maica kung kaya’t kasama ito, kabilang ang kanilang isang anak, ng mga tauhan ng SSIT na nagtungo sa Bicol kung saan may lalahukang torneo ng bilyar sa nabanggit na lugar ang inarestong suspek.

Ayon naman kay Aberin, hindi maituturing na pangunahing suspek si alyas Ashley dahil ang krimen ay pareho nilang isinagawa na matatawag itong ‘conspiracy’ of sabwatan kung kaya’t pareho silang dalawa na nahaharap sa kasong robbery with rape sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Matatandaan na sinalakay ng mga suspek ang isang establisimiyento kung saan ninakawan ng mga ito ang 13 masahista ay ginahasa pa di-umano ni alyas Ashley ang dalawa ng kanilang nabkitima.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pasay City police si alyas Jared habang walang kapaguran naman ang pagsasagawa ng follow-up operation laban kay alyas Ashley na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakalalaya. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here