Home NATIONWIDE Panukalang nagbabalik sa 10% VAT, inihain sa Kamara

Panukalang nagbabalik sa 10% VAT, inihain sa Kamara

208
0

MANILA, Philippines – Naghain si Batangas Rep. Leandro Leviste ng House Bill 4302 na naglalayong ibaba ang value-added tax (VAT) mula 12% tungo sa 10% bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Binigyang-diin ni Leviste na tumaas na nang husto ang VAT collections ng gobyerno mula ₱156.67 bilyon noong 2005 hanggang ₱1.2 trilyon noong 2024—mas mataas kaysa sa ₱200 bilyong mawawala kung ibababa ang buwis.

“This bill is about giving ordinary Filipinos a break. The VAT is regressive, hitting the poor and middle class the hardest,” aniya.

Dagdag pa niya, ang 12% VAT ng Pilipinas ang pinakamataas sa Southeast Asia, kumpara sa Vietnam at Cambodia (10%), Indonesia (11%), Singapore (9%), at Thailand (7%).

Sakop din ng panukala na maaaring ibalik pansamantala ng Pangulo ang 12% VAT kung lalampas sa target ang budget deficit. Sinabi naman ng Department of Finance na bukas itong pag-aralan ang panukala.

Kasabay nito, inanunsyo ng DOF ang isang tax amnesty program para sa mga hindi nabayarang buwis mula 2007 hanggang 2024, kabilang ang income, excise, donor’s, at VAT sa importasyon, na magbibigay ng immunity laban sa penalties at audits. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here