Home ENTERTAINMENT Alma, idinepensa sina Arjo at Sylvia!

Alma, idinepensa sina Arjo at Sylvia!

278
0

Manila, Philippines – Naninindigan ang beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion na hindi katas ng pulitika ang nai-feature na ari-arian ng pamilya Atayde sa panayam ni Korina Sanchez.

Viral kasi ang lumang interview ni Korina kay Sylvia Sanchez.

Makikita doon ang rest house ng mga Atayde sa beach front sa Tali, Nasugbu sa Batangas.

Nagkaroon pa ng pagkakataong makasakay si Korina sa helicopter at yate.

Makikita ring nagdye-jet ski si Sylvia habang hinihintay ang pagdating ni Korina.

For Alma’s part, ni-repost niya sa Facebook ang ilang larawan kasama si Sylvia na may petsang October 18, 2021.

Ito’y upang patunayan na ang mga naturang pag-aari nina Sylvia ay matagal nang na-acquire–at hindi matapos mahalal bilang Kongresista si Arjo sa Unang Distrito ng Quezon City.

Taong 2022 nang mahalal si Arjo para sa kanyang unang termino.

“Paki-check lang ang timeline bago kayo manghusga,” post at panawagan ni Alma sa mga bumabatikos kay Arjo at sa pamilya nito.

Matatandaang isa si Arjo sa mga binanggit ni Curlee Discaya na nakinabang sa llang DPWH infra project.

Sixty million pesos daw ang halagang inabot niya sa mismong ama ni Arjo at asawa ni Sylvia na si Art. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here