Home METRO 3 paaralan sa Isabela binulabog ng bomb threat

3 paaralan sa Isabela binulabog ng bomb threat

314
0

ECHAGUE, Isabela – Muling binulabog ng bomb threat ang tatlong paaralan sa lalawigan ng Isabela sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay PCapt. Elias Mangoma, tagapagsalita ng Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit, negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang isinagawang ocular inspection ng mga otoridad sa tatlong paaralan kabilang ang Isabela Colleges at Our Lady of the Pillar College sa Cauayan City habang ang isa ay naitala sa Cabatuan National High School.

Sa kabila nito, aminado si Mangoma na pahirapan ang pagtukoy sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon dahil sa mga ginagamit na dummy account sa social media.

Sa loob lamang ng dalawang buwan, nakapagtala na ang RECU ng labinlimang (15) bomb joke sa lalawigan.

Iginiit din ni Mangoma na ang anumang uri ng bomb threat ay ituturing na totoo at nirerespondehan.

Kung kayat panawagan nila sa publiko na sakaling makatanggap ng anumang mensahe ng pananakot ay isangguni agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at iwasan na idaan sa social media upang hindi magdulot ng malalang sitwasyon o pangamba.

Pansamantala sinuspende ng pasok ng mga estudyante habang nagsasagawa ng paghaloghug ng mga otoridad. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here