MANILA, Philippines – Sinimulan ng transport group na Manibela ang tatlong araw na nationwide strike nitong Miyerkoles, Setyembre 17, 2025, bilang protesta laban sa umano’y anomalya sa mga flood control project ng gobyerno.
Pinangunahan ni Mar Valbuena, pangulo ng Manibela, ang pagtitipon ng mga miyembro sa Philcoa, Commonwealth Avenue sa Quezon City bandang alas-7 ng umaga.
Aniya, “Sa bawat buwis na inaambag natin mula sa fuel pa lamang…bawat litro ng langis na kinakarga natin sa ating sasakyan, may kaakibat itong value added tax at excise tax na saan P500 a day, P15,000 sa isang buwan, P180,000 sa isang taon ang inaambag natin sa kaban ng bayan.”









