Home METRO Storm surge alert nakataas sa Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur

Storm surge alert nakataas sa Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur

286
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA nitong Martes ng minimal hanggang moderate na panganib ng storm surge sa mga baybayin ng Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur habang palabas na ng bansa ang Super Typhoon Nando.

Ayon sa advisory ng alas-8 ng umaga, posibleng umabot sa 1 hanggang 2 metro ang taas ng alon sa loob ng susunod na 12 oras sa mabababang baybayin, kabilang ang Calayan, Claveria, at Santa Praxedes sa Cagayan; Bacarra, Pagudpud, Laoag City at karatig-bayan sa Ilocos Norte; at Cabugao, Vigan, at iba pang bayan sa Ilocos Sur.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na iwasan ang mga aktibidad sa dagat, lumayo sa dalampasigan, at lumikas patungo sa mas mataas na lugar kung kinakailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here