MANILA, Philippines – Kumpirmado ng Department of Budget and Management (DBM) sa budget deliberations na mailalabas bago matapos ang 2025 ang 2023 performance-based bonus (PBB) para sa mga kawani ng Department of Education (DepEd).
Itinanong ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kung maibibigay na ba ang Special Allotment Release Order (SARO) ngayong taon. Tugon ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing: “Yes po, Mr. Speaker. DBM confirms that SARO will be released by the end of the year.”
Sa ngayon, tinatapos ng technical working group (TWG) ang resolusyon ukol sa eligibility ng mga guro. Pagkatapos mailabas ang resolusyon, bibigyan ang DepEd ng isang buwan para isumite ang listahan ng mga kwalipikadong guro bago ipalabas ng DBM ang SARO at cash advances.
Nakatakda ang pagpupulong ng TWG kasama ang ARTA, DEPDEV, DOF, DBM, at Office of the President sa Setyembre 30 upang tuluyang plantsahin ang guidelines. RNT