Home OPINION MAS PINALAPIT NG PHILHEALTH, MAS PINALAKAS NG DOLE ANG PROTEKSYON PARA SA...

MAS PINALAPIT NG PHILHEALTH, MAS PINALAKAS NG DOLE ANG PROTEKSYON PARA SA MANGGAGAWA

276
0

ANG mga manggagawang Pilipino ay nagsusumikap araw-araw para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at kinabukasan. Sa katunayan, humigit-kumulang isang-katlo ng ating buhay ay ginugugol sa trabaho. Sa kabila nito, marami pa rin sa ating mga kababayan, lalo na ang mga empleyado, ang walang sapat na oras o akses sa serbisyong pangkalusugan.

Bilang tugon dito, inilunsad ng PhilHealth ang Yaman ng Ka­lusugan Program (YAKAP) para “Malayo ka sa Sakit” na layuning gawing mas madali at abot-kamay ang primary care para sa lahat, lalo na sa mga abalang manggagawa.

Hindi kailangang magkasakit para magpatingin at, ang YAKAP ay isang unang hakbang tungo sa pangangalaga, kahit walang iniindang karamdaman.
Ang YAKAP ay isang konkre­tong hakbang ng PhilHealth sa ilalim ng direkta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. tungo sa Universal Health Care (UHC) para sa bawat Pilipino.

Sa pamamagitan ng progra­mang ito, sisiguruhing walang manggagawang maiiwan sa la­yunin ng gobyerno na isang malusog na bayan.
Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang YAKAP sa Yazaki-Torres Ma­nufacturing Inc., Calamba City, upang direktang maabot ang employed sector.

Ang se­remonya ay pinangu­nahan nina DOLE Secretary Bien­venido E. Laguesma at PhilHealth President and CEO, Dr. Edwin M. Mercado, na kapwa nagbigay-riin na ang kalusugan ay pundasyon ng masigla at produktibong lakas-paggawa.
“Ito ay bahagi ng aming settings-based registration approach, kung saan nilalapitan na mismo ng PhilHealth ang mga tao kung nasaan sila, sa mga opisina, eskwela, o komunidad.

Layunin naming mas mapa­lawak ang saklaw at mas ma­pabilis ang serbisyo,” ayon kay PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin Mercado.

“Ang estratehiya namin ay strategic implementation. Gusto naming tiyakin na habang pi­napalawig natin ang serbisyo, pinapahusay rin ang kalidad at abot nito,” dagdag ni Dr. Mercado.

Sa pagtutok sa primary care ng employed sector sa pa­mamagitan ng PhilHealth YAKAP, mas pinapalawak nito ang saklaw ng UHC at pinatitibay ang pundasyon ng isang mas ink­lu­sibo at epektibong sistemang pangkalusugan.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa PhilHealth YAKAP, maaaring bumisita sa PhilHealth website www.philhealth.gov.ph o tumawag sa PhilHealth hotline: (02) 8662-2588 o mobile numbers (Smart) 0998-8572957, 0968-8654670, (Globe) 0917-1275987 or 0917-1109812.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here