MANILA, Philippines – Hindi pa rin nasusungkit ang P214.9 milyong jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Oktubre 4.
Sa draw nitong gabi ng Sabado, walang nakahula ng winning combination para sa Grand Lotto 6/55, na 25-28-01-42-13-50.
Ang jackpot para rito ay umaabot na sa P214,989,254.80.
Wala ring nanalo sa draw ng Lotto 6/42 sa jackpot prize na P8,895,388.00.
Ito ay matapos walang tumama sa lucky combination na 41-06-40-04-36-01. RNT/JGC