Home NATIONWIDE Pagbabawal sa pag-import ng bigas, palalawigin hanggang katapusan ng 2025 – DA

Pagbabawal sa pag-import ng bigas, palalawigin hanggang katapusan ng 2025 – DA

299
0

MANILA, Philippines – Ang pagbabawal sa pag-import ng bigas ay palalawigin hanggang sa katapusan ng taon, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Iniuugnay ng mga magsasaka ang mababang presyo ng palay sa pag-angkat ng bigas, na hindi na nililimitahan ng gobyerno kundi nagpapataw ng taripa.

Una nang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng bigas ng 60 araw simula Setyembre 1, 2025 “to protect local farmers reeling from low palay prices during this current harvest season,” ayon sa Malakanyang.

Samantala, iminungkahi ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy IIII na dapat bigyan ng cash subsidies mula sa DA upang mapabilis ang paghahatid nito at maalis ang mga pagdududa sa iregularidad.

“Lahat sana ng uri ng subsidiya mula sa Department of Agriculture, tulad ng seed subsidy, ay ibigay na ring cash para mas madali and direktao itong mapakinabangan ng ating mga magsasaka kasi kung minsan pinagdududahan pa po tayo dito sa mga seed subsidy,” ayon kay Dy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here