HINDI maiwasang mapansin ng mga miron ang lumabas na balitang ‘one of the most corrupt agencies’ pa rin ang Bureau of Customs na pinamumunuan ngayon ni Commissioner Ariel Nepomuceno. Ito ay batay sa naging obserbasyon/ulat ng ‘US State Department’ at sa ‘Corruption Index’ ng ‘Transparency International.’
Lingid kasi sa kaalaman ng karamihan, ano mang opinyon ng ‘international watchdogs’ katulad ng State Department, TI at kahit ng international human rights/media observers’ ay batay sa kanilang obserbasyon sa NAKARAANG TAON. Alam natin ito hindi lang dahil tayo ay mamamahayag at dahil din nanggaling tayo sa gobyerno.
Sa madaling salita, dear readers, ang opinyon ng State Department ay batay sa obserbasyon nito simula pa noong isang taon kung saan hindi pa customs commissioner si Comm. Ariel na pormal lang naupo sa puwesto nitong Hulyo.
“Isiningit” din sa istorya ang obserbasyon ng TI pero hindi binanggit na ang pag-aaral ay batay sa mga pangyayari noon pang 2023 dahil ang nasabing ulat ng TI ay inilabas noon pang isang taon (2024).
“Pinasadahan” din natin ang 2025 State Department report na inilabas nitong Setyembre kung saan halos lahat ng ahensiya ng ating gobyerno at estilo ng pamumuno sa mga ito ay mayroon ding kritisismo ang mga Kano!
Pero, sa mga lumabas na ulat sa ‘mainstream media,’ Bureau of Customs lang “diniinan” sa mga balita!
Hmm. Hindi naman kaya… may “kumita” sa nangyaring ‘media spin’ dahil ang pinalalabas, walang ginagawa si Comm. Ariel laban sa korapsyon sa Aduana– na isang malaking kasinungalingan.
Hindi kaya “malisyoso” ang istorya dahil mayroon itong “karga?”
May mga “umaray” na kaya sa kanyang mga paunang reporma katulad ng ‘No Take Policy’ at ‘anti-COIN (anti-conflict of interest) policy’ kaya “pinopondohan” ang pagbira sa kanyang integridad at kredibilidad?
Ano pa nga ba!






