Home OPINION CYBERSECURITY MONTH SUPORTADO NG PHILHEALTH

CYBERSECURITY MONTH SUPORTADO NG PHILHEALTH

304
0

NANININDIGAN ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pangako nitong protektahan ang pribado at personal na data ng lahat ng miyembro nito. Ang feedback channel nito sa pamamagitan ng Corporate Action Center ay hindi nangongolekta ng personal na impormasyon sa mga opisyal na social media pages tulad ng Facebook, X (dating twitter), YouTube, Ins­tagram, Tiktok at Spotify.

Ang pangakong ito ay umaayon sa mas malawak na pambansang pagtulak para sa seguridad ng data, isang priyoridad na binibigyang-diin ng pananaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang digitally secure na Pilipinas.

Tinitiyak ng PhilHealth sa lahat na ang mga opisyal na platform ng social media nito ay ginagamit lamang para sa:
* Pagpapalaganap ng opis­yal na impormasyon
* Pagsagot sa mga pangkalahatang katanungan
* Pagtuturo sa mga miyem­bro sa naaangkop na mga channel para sa mga partikular na benepisyo at serbisyo ng ahensya

May babala ang PhilHealth sa mga miyembro na maging maingat, pinaalalahanan na huwag kailanman magbahagi ng mga personal na detalye tulad ng buong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, o PhilHealth Identification Number (PIN) sa mga social media platform.

Para sa mga query na may kinalaman sa PIN Verification, claims status, contribution history, at iba pang bagay o may katanungan, dapat makipag-ugnayan ang mga miyembro sa PhilHealth sa pamamagitan ng mga opisyal na hotline at email nito.

Ang mga channel na ito ay idinisenyo upang maging ligtas pangasiwaan ang mga personal na data alinsunod sa Data Pri­vacy Act of 2012.

Ang mga miyembro ay ma­aari ring sumangguni sa Privacy Notice na naka-post sa opisyal na website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph/privacy/.

Hinihikayat din ng PhilHealth ang publiko na maging maingat at iulat ang anomang kahina-hinalang aktibidad o hindi opisyal na account na nagsasabing kumakatawan sa ahensya.

Para sa opisyal na update at tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa PhilHealth Corporate Action Center sa pamama­gitan ng mga sumusunod na channel:

PHILHEALTH Hotline: (02) 8662-2588 / Smart: 0998-857­­2957 / 0968-8654670 / Globe: 0917-1275987 / 0917-1109812

Email: [email protected]
Website: www.philhealth.gov.ph

Social media pages:
– Facebook page: PhilHealthOfficial
– Youtube, X, Tiktok, & Spotify: @teamphilhealth
– Instagram: @team_philhealth

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here