Home OPINION 2 SUPER BAGYO DARATING

2 SUPER BAGYO DARATING

473
0

DALAWANG malalakas na bagyo ang darating sa unang dalawang linggo ng Nobyembre 2025.

Ito ang sinasabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration batay sa namataan nitong mga sama ng panahon o low pressure areas sa dakong silangan ng bansa.

Maaari umanong magkasinglakas ang dalawang bagyo at aabot sa signal number 5 o super bagyo o typhoon.

Itinuturing na super bagyo kung aabot sa 220 kilometro kada oras ang pinakamahinang bilis ng hangin nito.

Maaari pa namang magbago umano ang lakas o katayuan ng mga ito batay sa ibang mga kalagayan ng panahon na makikihalo rito, kasama na ang bagong pasok na amihan.

Posible umanong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang una at mananalasa sa Kabisayaan at susunod sa Kabikulan hanggang daraan ito sa Metro Manila at Central Luzon hanggang sa makalabas ito ng bansa sa West Philippine Sea.

Kung magiging bagyo, tatawagin itong Tino.

Ang ikalawa, kumikilos pa-norte at hindi pa tiyak kung tatama ito sa kalupaan ng Pilipinas.

Kung magkakatotoo ang tantiya na magiging super bagyo ang dalawang low pressure area, dapat ngayon pa lang maghanda na ang lahat, kasama ang pamahalaan.

Labis na nakasisira ang super bagyo sa buhay at ari-arian.

Bukod sa pumapatay ito sa pamamagitan ng pagkalunod sa baha na likha nito, landslide at pagbagsak ng mga punong kahoy, poste ng kuryente at iba pa, pumipinsala rito ito sa pagwasak ng mga kabahayan, eskwela at iba pa.

Gaya ng dati, pinakamagandang makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa pamahalaan na lagi namang naghahanda tuwing may bagyo.

Dapat makinig ang mga mamamayan sa mga tagubilin ng pamahalaan tungo sa kaligtasan at tamang pag-aasikaso sa mga magiging biktima.

Hindi dapat ipaubaya lahat sa pamahalaan ang mga gawaing pagliligtas at pag-ayuda sa mga biktima.

Malaki ang magagawa ng mga mamamayan sa pagliligtas ng kanilang mga sarili sa anomang uri ng kapahamakan sa ganitong mga kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here