Home OPINION NEITHER QUICK NOR RIGHT MR. PRESIDENT

NEITHER QUICK NOR RIGHT MR. PRESIDENT

284
0

SINAGOT ni Presidente Bongbong Marcos ang tanong kung kailan ba masasampahan ng kaso ang mga sangkot sa flood control scam. Inip na ang tao at kahit ang mga mapagpasensyang sektor ng mga negosyante ay nababagalan sa proseso.

“We would rather do it right than quick” sabi ng Pangulo. Baka daw balang-araw ay maabswelto pa ang mga kakasuhan.

Pero sa Pilipinas kapag ang akusado ay makapangyarihan, liyamado sa laban. Ibig bang sabihin ng Pangulo na kaya na abswelto ang mga sangkot sa PDAF scam ay minadali ang kasong sinampa?
Pero bakit ba nababagalan ang sambayanan? Aba’y base na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon at pahayag ng mga nag- iimbestiga ay wala pa ring nakikitang ebidensya laban sa mga opisyal at may mga hurdles pa bago makapagsampa ng kaso.
Sa kasalukuyan ay ‘gathering of evidence’ at ‘invitation of resource speakers’ ang ginagawa ng Independent Commission for Infrastructure. Hindi pa demanda yan! Pagkatapos nila (kung kailan man) ay irerekomenda nila sa Department of Justice ang mga kakasuhan. At ang DOJ ay magse-set ng preliminary investigation. May makukulong na ba sa stage na ito? WALA PA.

Ano ang preliminary investigation?

Sa Rule 112, Section 1

Preliminary investigation is an INQUIRY OR PROCEEDING to determine whether there is sufficient ground to engender a well- founded belief that a crime has been committed and the respondent IS PROBABLY GUILTY THEREOF, AND SHOULD BE HELD FOR TRIAL.

Matagal po ba ang preliminary investigation? Ang procedure ay nasa Rule 112, Sec 3 ng Revised Rules of Criminal Procedure.

Pero makikita natin na sa preliminary investigation ay mabibigyan pa ulit ng pagkakataon na sagutin ng mga kinasuhan ang demanda.

At kapag kinasuhan na sa Husgado ay saka pa lamang magkakaroon ng warrant of arrest.

Ang pagkainip ng tao ay dahil na rin sa tinatakbo ng imbestigasyon. Nasa poder pa rin ang mga balyenang politiko na sangkot sa iskandalo. May pera at kapangyarihan na maaaring gamitin laban sa katotohanan.

Heto ang pinupunto ng mga tao Mr. President, hindi yung bagal kundi yung panahon na maaaring magawa ng mga makapangyarihan para hindi sila makasuhan . At dito sa puntong ito pwede yung ‘QUICKLY’.

Tanggalan sila ng impluwensya, kapangyarihan, pera, at iba pa na pwede magamit laban sa katotohanan.

At kapag nagawa na yan then do it ‘RIGHTLY’ para ang reasonable certainty of conviction ay mailatag sa mga sangkot kasama ang mga MASTERMIND.

So Mr. President, with due respect, do it QUICKLY and RIGHTLY. Both can be done.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here