Home NATIONWIDE “No Work, No Pay” ngayong Oktubre 31 – DOLE

“No Work, No Pay” ngayong Oktubre 31 – DOLE

308
0

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ilalapat ang “no work, no pay” policy ngayong Oktubre 31, na idineklara bilang isang espesyal na non-working holiday.

Ayon sa isang labor advisory ng kagawaran, ang mga manggagawang hindi magre-report sa trabaho sa Oktubre 31 ay hindi tatanggap ng kanilang suweldo para sa araw na iyon, “maliban kung mayroong paborableng patakaran ng kumpanya, kasunduan, o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa espesyal na araw.”

Para naman sa mga empleyadong magtatrabaho, sila ay may karapatang makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang pang-araw-araw na suweldo.

Para sa mga magtatrabaho ng lampas sa walong oras, babayaran sila ng employer ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang hourly rate sa araw na ito, gamit ang formula: hourly rate ng basic wage × 130% × 130% × bilang ng oras na nagtrabaho, dagdag ng DOLE.

Kung ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho sa araw na katapat rin ng kanyang regular na pahinga, babayaran siya ng kumpanya ng karagdagang 50 porsiyento ng pangunahing sahod sa unang walong oras (basic wage × 150%), ayon sa labor department.

Idinagdag pa ng DOLE na para sa trabahong ginawa ng lampas sa walong oras sa espesyal na araw na katapat rin ng araw ng pahinga ng empleyado, babayaran sila ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate (hourly rate ng basic wage × 150% × 130% × bilang ng oras na nagtrabaho).

Ang Oktubre 31 ay idineklara bilang isang espesyal na non-working holiday sa buong bansa alinsunod sa Proclamation No. 727 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here